Diyed's Roots

.paranoid.weirdo.music.guitar.diptych.vox.guitarist.green.poetry.compositions.

Wednesday, December 5, 2007

Dazed and Confused...

Badtrip! nabbwisit nako mag panggap.. yeah ako yung taong ayaw mapunta sa situation na pang maala ala mo kaya.. eewness kse.. pero tsong, tao ako kahit mukang tae. F*ck talaga! ka bwisit! ayoiko nang mag explain pa or watever, pro alam niyo na siguro kung ano ang madalas ika problema at ika bwisit ng isang gurl sa buhay.. (lablyf / family/ pera).. you'll know which one is my kanal right now.

2nd poem written last 11-29-07 @Dunkindonuts g8way cubao..

Do I have to cry w/ joy or w/ dansess?
I made a decission though for 3 days.
Was I just blew by the angst,
Or did I finally opened this 3rd f*ckin brain?

This heart and mind was arguing,
Searching for what sould be and what should not be.
It once asked the novice and the expert
Two different answer were provided.

It just bounced for both were swiped-in
Confusion did exploded,green grass turned yellow
Still asking for the reasons
What from both flavors should I taste.

Here it is now, set somethig in between
I could run or freeze on the field
Embrace the situation my mind has taken
I'll just write and sing for this is the best cure I know.

Ü8


Tuesday, December 4, 2007

Wag po Kuya!! Wag po!

Pag-galing ka sa work, or sa skul, malamang super stressed out kana.. yung tipong super antok na sobrang minsan nababadtrip kana sa dami ng ginawa mo sa work or skul. Niintindihan ko yun, kse madalas akong makatulog sa work. So ang tendency is pag dating sa Fx or sa biyahe, makakaslip ka...kukunin mo ang nakaw na sandaling yun na walang iniisip kundi ang pagkasabik mo sa kama pag dating sa bahay niyo.. lalo na mga colcnter agents or mga night shift na students...

***makakatulog ka ng mahimbing na mahimbing... mahimbing na mahimbing.. at mas mahinbing pa.. na maaari mong ikalagpas sa bahay.. eto, tignan mo si kuya... heheh




ahahhah! kaloka! True mga ateng! nung sunday yan! hahaha! sa harap ng fx.. una naka sumbrero sha tapos nababagsak bagsak ang ulo sa balikat ko.. e naramdaman ko.. so ginanun ko balikat ko.. ang nakakatawang part, inalis niya ung sumbrero, para mas comfortable shang makakahimlay sa balikat ko.. hahah.. Tawa ng tawa ung manong driver kse pinipikturan ko sha habang naka dantay sa balikat ko..hahah ^_^ kwela!
O well.. intindihin nlng xa..muka naman mabango at may itsura naman eh.. pro pag mukang manyak dna uy! heler!! oki na yan.. bata at muka naman sweet.. heheh..
Anu sa tingin niyo? Tsansing ba ito or sadyang hindi lang napigilan ang pag ka antok? hahah nyt kuya!
Ü8

Sunday, December 2, 2007

Let me be EMO at this time..

I've promised not to be one, but tsongs, I have to release this fuck*n Ass awt! My dear friends, I need your comments here.. This is what I'm feeling right now. I need a feedback.. feed me something positive please...

This 1st poem was written @ my room last 11-27-07 (7:14 p.m.)

Perfect I thought it would be
The music flows right, might be too loud,
Full of distortion and treble
Boosting to combine the tune.
Love and Death embraced
Yeah it's fck*n weird
Just like my mind hot under the collar
Trying to emend this muddle-headed.
Sometimes it purls right on my ear
Which made the chimes seemed so tuned
Yet it's uncertain when you ding it
Coz it's part of the obscurity.
Limpidity is what I'm searching
Just wanna strain out this music
Please don't bungle it too much
Coz. I'll die for it even without your f*ckin ass.

Ü8

Thursday, November 29, 2007

DQ Dilly Bar.. Yumm!



Sa sobrang badtrip ko ant gulo ng utak ko sa mga nangyayareng pangyayareng hindi ko magets, habang nag lalakad ako sa g8way, nakita ko yung isang ice cream stall sa tapat ng Watsons.. nalakam ako dun sa picture ng ice cream so naisip kong mag palamig at tikman. KARAMBA!! mga bakla! gumora na at jikman ang DQ Dilly Bar. Pramis! ang sarap! ewan ko kung exage ako ah.. pro tototo girl, yummy! Para din shang Penny Brown pro ito kse pure icecream deeped on a choco fudge. It's only for Php 35.00, worthit ang price. Ayus naman.. Hehe.. Tamang na adik ako, halos every day ata yan ang trip ko.. Since sa g4 ang Penny Brown at may kamahalan, sa DQ muna ako.. ^_^ Try it guys! masarap!
Ü8

Monday, November 26, 2007

HITMAN


Last 22nd of November, we had our 1st monthsary.. Tamang movie trip lng tas lafung.. Grabe, we watched this very kakaibang film na mga gamers lang mag eenjoy panoorin . Gateway, Cinema 2.. tumapat pa sa number ng annive namin.. ^_^ So far, ox nman ang movie pro if d kayu mahilig sa mga malamatrix churva, edi wag manood...

The movie is called "HITMAN".. It is based on the popular video game series, starring Timothy Olyphant as Agent 47. (And gwapo ni 47.. hehe.. macho! Yummy! bagay kay filip.. haha.. you must see the movie filipa!) Kaloka nga jan yung girl kse ilang beses niyang sineduce si 47 pero hindi parin bumigay and papa, para kay filip lng daw sha.. haha.. Ayuz naman ang film.. dko killa ung girl dun pro lagi xang alambra.. so sa mga anu jan.. watch it na. This film is Directed by Xavier Gens (dko sha kilala, wla lng sinabe ko lang)..

Ü8

Saturday, November 17, 2007

whh000 GORe!!!!!

Remember my old post about the GOREy thingy? Well I asked for some gore then it was granted!!

Last night or kaninang madaling araw, pinapakain ko si kukay ng Chef Tony's pop-corn.. napaka tamad niya, tamang naka higa siya habang binibigyan ko ng pop corn, kakaligo niya lng kse nung gabe so merienda muna sha.. tapos,,, kala ko natututwa shang kumaen, so pag sipa ko sa pop corn sa mouth nya.. LATRAYDORA!!! amputa dinakmal ung paa ko.. sempre hindi ko muna inaalis kse pag inalis ko left foot ko sa mouth niya, baka mag sugat or magas-gas. Well, nag tagumnpay aprin ang KUKAY..

Babala: anG mga sumusunod na larawan ay may pag ka -gore.. wag tularan


Youcchhy! Gorey! Pretty Gore! Ang Salarin... ^_^

OO Masakit! bumaon eh.. pero keber lang! I've been longing for the GORE!! hahaha.. Thanks kukay for granting it! Kaso Traydor ka talaga.. matapos kitang iparegister sa Baranggay kanina, ito lang ang igaganti mo! BIatch! Ilang aral nalang lalo nakong mauulol! hahaha...


Ü8

Wednesday, November 14, 2007

TAWITAWI's nExt top 3 m0deLs..

Bwaahhahahh! diko alam kung anu ba irereact ko d2 sa mga kagagahang pinag gagagawa namin sa Tawi tawi.. hahah ^_^ kaloka naman! Shempre wala naman kameng magawa noh.. at ksaalukuyang naka hanap kme ng fotograperang pagong! haha! si JL yun! ^_^ heheh.. pis! Ayun naga kodak kodakan kme not knowing na hagardness na ang aura.. alam ko na eexcite na kayu so here it is...

Tawitawi's NEXT top 3 ModeLs!!


D nman kame tinatamad, sakto lang..



Look at our gettups, plain tees, jeans and chucks.. (d yan pinag usapan) ^_^




Wala lang.. sigh**



Leyn, antok ka? Jed, sabog ka? Ian, asan yung ibon? (bwahahah)

Nag-enjoy ba kayu sa photo shoot?? I'm sure yung iba jan hindi.. hahahah.. walang pakialamanan ng blog! ahhah! bakit? potogenik naman ah.. hahah! yun nalng masasabi ko.. Yung mga hindi taga FOCUS jan.. lumipat na kayu.. para maka pag stirke na ng pose at tumengga sa pinaka ma daling account sa mundo! hahahah!! kami ang CHAT SUPPORT team! mga TAMAD na wlang ginawa kundi matulog, kumain, mag tsismisan at higit sa lahat, mag barahan!




LIKED OUR PIX???!!! (sori ANDENG and LILING eyebags ang puhunan namin jan mga tsong!! ) hahahahha! ^_^

Tenkyu JL Pagong!! ^+^


Ü8

Monday, November 12, 2007

GiG

Hmmm.. Nov. 10, 2007 Saturday @ the Bloo-gum Bar.. muntik na! Linshak!na unsiyame ang Weebee Gig namin.. kse pang 16 na kme sa slot.. kamusta naman malamang 3am na kme maka play niyan.. too bad naputol ang excitement namin.. heheh.. Pero ok lng, kse, my cousin's (ka-band ko), ier and Eli plus jill and ram, went at the Meat Shop (xavierville).. we had ourMOni session there.. malamang ang order ko is Coors. so Ayun, after a while, we transferred at the Purple Haze Bar (Thomas M.).. namiss ko yung bar na yun.. there we had our naunsyameng Gig.. heheh... 2 songs lang pero we enjoyed it.. Naka jam pa namin ang kataastaasang The Dawn! weeew!! lufet ni Mr. Francis Brew.. idol talaga pramis.. kaloka! Nag papicture pako.. hahha

Well after that night.. mejo badtrip kse basta,.. nag enjoi naman ako pro shempre nabitin ako sa mga kaganapan.. Sana maulit uli ung gig na yun.. It was a very tiry night but I enjoyed it a lot. Badtrip lng, sa sobrang excited ant biglaan ng gig namin, wala man lang kumuha ng picture sa mga ksama namin habang nag pplay kme. kaloka! sayang tuloy... hehe.. pro ok lng..


Buti nlng nag ka ayus na ng 2 lovers sa banda.. Carla and Ier, paliss wag na mag joway oki.. ^_^




WB DIPTYCH!!




Ü8

Saturday, November 10, 2007

Vanz..pEntATTOOs

Ever planned of having tattoos on your body? Hell Yeah! oo noh! as in.. Hayskul palang ang lola mo, mega lagay nako ng henna sa kamay ko, arms, or sa binte.. naman!! y not,, now nga, I'm planning of having a "Real" tattoo on my left hand. "little green star".. bsta you'll see it soon.

(Wish ko lng pumayag sila mudang at fudra..)

Like what I've mentioned earlier, henna ang madalas kong nilalagay sakin kasi malamang masakit mag pa-tattoo.. and indi pako ready mag palagay before.. pro now y not! Maliit lang naman eh. Ang hindi ako mag papa tattoo ng layout na pang nakaka takot (gets?)..



Henna Tatto from Puerto G. by the masters of PhilTag

Shempre naman ngaung matanda nako.. hahhah.. c Mr. Eli Davis, pinag tripan ang Brassu kow.. wala kmeng henna that time so guess what? Pentel marker ang pinang tattoo sakin.. heheh.. LAkas ng trip mo Ju! ahahha... Pero I really appreciate it.. wotta Layout! heheh!


The bracelet (prehas kme meron niyan.. 1st bracelet nmin)

O daba.. gawa yan ng aking lovidubdub! Thanks Mr. Eli Davis! heheh.. hmm.. well Remember my old post about the kinahuhumalingan kong Chuck Taylor? Eto pa.. may bago nakong kahuhumalingan.. VANZ snickers naman! Yun Ow! Thank You JUJU! binigay niya sakin toh last Sept. 25.. he Bought it at Melrose place. waahh~! kakatouch! Salamat ng super marame! Alam mo ang reason? Wala lang naman.. Dahil lang naman sa sinagot ko sha.. heheh... Bongga daba! wag nang tanungin how much itich.. may ka mahalan ng konti sa Chucks..

TAken sa loob ng FX.. naka patong sa kabilang upuan..

TENKYU My JUJU!! ^_^

Ü8

Thursday, November 8, 2007

Ocho..

Y forget and not post on my fave number? Ovcorrs.. HOTSO!! yes 8 po mga kaptid. Sobrang special ang number na yan sakin. Not because it means :ilabyu or whatever.. pro talagang madaming personal reasons y I really like this number. I know you guys have your own fave # right? ^_^ So ayun! Cge lang.. ipeyborit niyo lng yan.

Hmm.. let me just share you 8's of my life...

8 Trip Songs ko:

1. When Love and Death Embrace (HIM)
2. Vampire Heart (HIM)
3. Gone with the Sin (HIM)
4. Not an Addict (K's Choice)
5. Akap (Imago)
6. Taning (Imago)
7. Hiling (Paramita)
8. Love Song (The Cure)

8 Trip Collections ko:

1. Chuck Taylors
2. Bracelet
3. Sweat Shirt (Hoody)
4. Green Stuff
5. Guitar Pick
6. Drum Stick
7. Chocolate Wrapper (Shempre pati ung laman)
8. Ketchup ng Mcdo

8 Things na Trip kong gawin:

1. Mag sulat ng poem
2. Gumawa ng Kanta
3. Mag Gitara
4. Makinig ng Mp3
5. Uminom ng Sarsi / MUg (basta rootbeer)
6. Maglinis ng Haws
7. Paliguan si Kukay
8. Mag Window Shopping (Window lng ah.. hindi bumibile)

8 Trip kong Banda:

1. HIM
2. K's Choice
3. Imago
4. Pentavia
5. Dashboard
6. CKY
7. Type-O Negative
8. KNK

8 Trip kong Food:

1. Pizza
2. Any Potato Foods
3. Buritos
4. Fried Chiken (KFC)
5. Ice Cream
6. Cake (Chocol8/ Marjolaine)
7. Shrimp (Kahit anung luto) and Calamares
8. Carbonara ni Jed

8 Trip na Junk Foods:

1. Piknik (Original / Ketchup)
2. Pringles (Sour Cream / Cheese/ Regular)
3. Potato Crisps
4. Lays (Ridges Sour Cream)
5. V-cut
6. Tortillos (Red)
7. Potato Ribbon
8. Penny Brown

8 Trip na Chocolate:

1. Toblerone (White / Brown)
2. Hersheys (Almonds / Cookies & Cream)
3. Lindt (White)
4. Cadbury (Milk Chocolate /Almonds)
5. Kisses Almonds
6. M&M's (Peanut)
7. Milkyway
8. Twix


8 Closest Person to me in present (walang selosan ah.. kulang ang slot eh) / (not in order except yung first)

1. Eli
2. Carla
3. Skin
4. Cilin
5. Ian
6. Leyn
7. Jajing
8. Filipa

*****Sa mga closest friends ko, kaya ko to nilista is para mamili nalng kayo ng ireregalo niyo sakin.. aba! ang lagay nlng ba eh, isulat ko to at mag paka pagod ng ganun ganun nalng? malamang.. mga wish list ko karamihan jan.. Malapit na Pasko at New Year.. alam niyo na siguro kung anu ggawin niyo.. ^_^ Maligayang Pasko and Hafi Nu year!!



Monday, November 5, 2007

Gimme' some Gore..

Gore-BLOOD.. hellyeah.. ewwness daba? Thru! I Love Gore Films.. finally, naka tagpo din ako ng taong sasamahan akong manood ng Gore Movies..

Last Oct. 27 Eli and I had our first movie @ the Megamall Cinema 4. We watched "Resident Evil 3- Extinction".. Milla JOvovich did great a goo job here,.. Ampretty niya .. muka shang gawa sa 3D... It's a movie na about sa virus na galing sa creature tas pag nakagat niya yung isang tao, magiging creature din, so pasa pasa lng yan.. The movie was nOt too gorey.. not too suspense..

Actually, hawig siya ng mga ibang films na ubusan ng lahi in a way na dadami mga immortal or aliens once nakagat ka ng taong may virus masaalin sau ung virus tas magiging zombie ka narin.

Ganda ng film.. pro compared with Res 1 & 2 d sha ganung ka-gore.. pro since this is our first movie, kahit 30 min. late na nung napanood namin toh, keri lng. Masaya naman. ^_^ Thru! 30 min. late kme.. dkse nmin alam ung start ng last full show.


We went to Cavite from a wedding early that day tas derecho Megamall pra mag foodtrip.. Shempre Isa lng kinabagsakan namin.. "KFC" (Our favorite Food Chain). Then, yosi muna sa istarbax at inum ng paborito kong choco frappe'.. Tas gora na sa cinema haws.

Last Nov. 3 naman, we had our 2nd MOvie @ G4 Cinama 4. We watched "Halloween". directed by none other than my favorite director "Rob Zombie".. Panalo! Gore kung Gore! Dpa nga sha ganun ka-gore kse may mga cuts pa sa ibang scene.. pro keri lng. Same character din ang gumanap from his first film "Devil's Reject".. family kse sila pag gumawa ng movie. Pero pramis auz mga films niya.


We ate at Sizzlings before we watched the movie. CHiken Steak at Salsburry Steak ba yun? (basta may burry na parang patty na hindi masarap) susme, ni hindi man lng sumabit sa lalamunan namin. HIndi dapat kme dun eh.. KFC dapat kso close naman.

After nun, yosi break muna sa gilid ng istarbax sa taas.. ayun kwentuhan ng konti hanggang sa mag start na yung movie. BUy kme large fries sa Taters plus Mug and H20.. Uwi kagad after the movie kse mejo na ttrauma ko sa place.. you know (glorietta tragedy)..

We really had a fun tirey day. Nga pla.. napansin niyo ba yung "Cinema 4"? Galing no? prehas 4. wala lng.. ^_^ panalo... Thanks for makin my day happy Eli! ^_^

Wednesday, October 31, 2007

Kasalan...

"Kazalan"-- Nakakatakot na word, right? Seryoso kse tong bagay na to. Once you get into it, wla ka nang kawala (pwera nlng if mayaman ka at may panag Anal or Divorce ka). Let me share you guys my another Cavite adventrip...
Eli and I went to Cavite last Oct. 27. Her mom got married at Max's Kentucky Fried Chiken Dasmarinas Cavite. Saktong simple lng yung wedding, Mayor na kwela ang nag sermon. Pero keber nako sa sermon, kse ang pinaka aabang abangan ko dun is ang mga lafangans. Grabe naman 7 courses (Pancit, Chiken, Lechong Kawali, Chopseuy, Lechong Crispy at Shrimp). Naman!! ayoko na ngang tumayo sa kina uupuan ko nun noh. Solb na solb ang lola mo.

Well habang nagaganap naman ang wedding ceremony, bigla kong napaisip ng konti kung anu kaya magiging concept ng wedding ko, kelan ako ikaksal at anu kaya magigging wedding gown ko. hahah.. eew! Well.. opcors, I want a Black Wedding Gown. D man lang naisip kung kanino ako ikakasal eh noh... well.. come what may-- too young to think of it.

Mabalik tau sa black wedding gown. Yah, mejo weird kse pag sinabing wedding, it should be pure as white. It's like how you should be in the eyes of your partner. (waaa.. tangina d bagay sakin yung explanation) haha!.. Pro' Ive read one article from "Wedding Clipart" na keri na daw now ang pag wear ng black wedding dress. Lalo tuloy akong na tuwa sa definition nito...

"In accordance with today's modern mystics, black is no longer a symbol of death, but rather symbolic of survival, independence, confidence, focus, fearlessness and strength. Moreover, black is said to protect one from pain and misfortune, as it is able to actually deflect vibrations of negative energy. And whether one believes in mysticism or not, just think of the last time you donned a slinky black evening dress; think of how you felt as you walked through a crowded room; remember the weight of so many eyes upon you, retinas filled to the brim with the deepest of admiration, respect and desire combined, eyes that belonged to woman as well as men, your appeal apparent to all, indiscriminate of gender or orientation. "

--- o dba bongga! y not wear a black dress on your wedding? ^_^ yehey!! so mlamang yun nanga ang motif ko sa kasal. Anyweiz.. Leyn, Ian, Jaja, Rhia, at Shobe.. kayu ang magiging Abay ko sa kasal at ikaw Filipa ang magiging Plawer Girl ko and for Dax and Kuya Mark, Kayu ang Brides maid at Grooms maid ko (hindi men! haha pustahan may mag rereact jan). ^_^ Wagi!!

ACKNOWLEDGEMENTS:

Thanks to GOthic Sewa for my Black Wedding Gown

Thanks to Cake-a-holic for my Black and White WEdding Cake

Thanks to Flawarious for my Boquet

Thursday, October 25, 2007

LOviDubDub...

KOnting pahinga muna sa tripzeroida ko.. May ichichikka lang muna ko sa inyo.. different part ng life ko.. hehe.. let me introduce you my LABLAYP! Trulalu! may jowa na ang lola niyo. ^_^ (kilig!).. Why not.. Ilang araw ng naka binbin ang post ko na ito.. mejo kumukuha ako ng timing.. haha. ^_^ well guys, here it is.. No worry, there's no EMOHAN thing d2.. Just wanna let you know that I'm INLAB rayt now.,. with whom? With PAPA LouIe? Nah-ah! haha! opcors.. lets go back to my 9th (Cavite andventrip), 12th (Beeranoia (Coors Light)... and 18th (When Love and Death embrace..) posts.. Yess truly ofo! I've mentioned him sa mga posts ko na yan. Alam mo na kung sino? Opcors, my new LOviDubDub is Elizer. ^_^ (kilig ulet).

Why nots me be inlab? Sarap mag love noh.. lalo na pag prehas kau ng trip sa life and at the same time, seryosohang bagay toh. Yung tipong, may pangarap sa buhay. Well, should I say sha na nga ba? (eeww.. wtf?!.. d bagay sakin yung reaction eh noh..) Shempre I'm too young to think of that matter, I mean, even him is not yet ready for that thing. Steady lang kme, tamang sakto.. wag mzadong madaliin ang lahat.. come what may.. para walang sawaan. ^_^.

Neweiz.. naging kme last October 22, 2007 - Monday. kaloka ang naganap na eksena kung papano niya sinabe na love niya ko.. hahah.. I mean, yeah he used to tell me that he loves me thru text, phone and xempre sa personal, pro ang tanong, pano ako napa yesness sa kanya?? haha ^_^ well.. here it is...

Scene (Sa office nila and set up.. naka paligid ang mga customers (konsehal, kapitan, kagawad))

Eli: "Dawd, si Jed oh, babaeng mahal ko. Mahal ko to"...
Dawd: "Naks naman.."Eli: "Si Jed po oh, mahal na mahal ko to"..
Konsehal na diko kilala: "Kagandang babae ah.." (yuck! sinungaling!)
Tita ni Eli: "Mabait yang si Jed.." (isa pa toh, sipsip)
Konsehal na diko kilala: "E anu namang masasabi mo dun Iha?"
Jed: "Hehe.. Mahal ko din po siya.." (naka ngiting sinasabi habang kinakabahan ng todo)

(Biglang nag hiyawan na parang nanonood ng eksena sa pelikula ang mga demutres) hahah ^_^ Inferness kinilig ako dun! ^_^ hahah.. So ayun nanga.. nanahimik ang Eli after ng secene na yun.. habang ako ay madaling madali ng lumayas kse malel8 na sa opis. Napa hatid bigla ang fafa mo sakin, tas nung nsa Pbcom na kme, eto ang eksena:

Eli: "Anu ba yung sinabe mo kanina sa kanila? Totoo ba yun o trip lng?"
Jed: "Anu dun? Yung sina be ko na love kita?"
Eli: "Yah, sure ba yun?"
Jed: "Malamang! Love naman talaga kita e."
Eli: "Edi anu na?
Jed: "Kadire, pang telenovella na toh.. bsta if what narinig mo yun na yun! Love kita! Tapos!"

Sabay ngiti ng lolo mo.. bigla ba naman akong Hinug (niyakap). True! Hi-nug ako ng walang pasabe! waaa! nawindang ako ng moment na yun ah.. inferness sadjang kakakilig ang mga pangyayre.. heheh ^_^ O ayan.. Talagang detalyado ang lahat.. ahhah ^_^ Guys, kung anu man mangyare samin, wish me luck! and sana d mauwe sa wala ang Pagibig na ito! Hahah!

Tuesday, October 23, 2007

Sino si PAPA LOUIE?

BUt opkors y not Blog him.. SUrely! I have a New papa.. it's none other than Taga pag tinda ng PIzza--> mi PAPA LOUIE! yesness guys.. PAPA Louie is the new boy in town of Shutterfly..
Sa super boring at mejo nakaka-antok na Chat Support, nadiskubre ni Ian and larong "PAPA's PIZZERIA". This game is really kakaloka! as in nakakaadik! I'm sure u'll love this game..

Kamustahin mo naman ang rank ko.. Till Rank 9 plang "Chef Trainee" at mukang malabo nakong maging Chef kse ang hirap ng mga pinapagawang Pizza napaka raming topings and super haba pa ng pila ng mga umoorder.. nakaka pressure! Basta you'll understand how to play this game once na simulan mo na. ANg Kulet Pramis.
Cge mga kapatid, I'll show you how this game works.. mejo aliwin ang ating sarili!

Step 1. First, Oorder sau ng pizza ang mga tao.



Steps 2 & 3. Tapos, gagawa ka ng Pizza, then i-heheat mo sha sa Oven. Pinaka exciting yung part na yun, kse you have to follow kung anuman ung trip ng customer (if yung pepperoni ba is sa kabilang side lang or sa buong pizza o isspread). Then yung pressuring part is pag mag heheat kana sa oven, kse may sinet din na time yung customer if ilang minutes mo lng dapat ileave yun sa oven, so pag lumagpas ka dun, yare ka. Sunog ang pizza!

Step 4 & 5. Hahanguin mo na ung pizza from the oven, then slice mo na the pizza tas gumora kana sa customer. Like what I've said, pag- nasunog ang Pizza mo, legwak ka kay ATe. hahah! Wala kang Tip na makukuha.


After that, sa next customer ka nanaman. You'll do the whole process till you get a rank. Aun, that's how easy the game is. So, if you're super bored,
Gora lang sa http://www.papalouie.com/game_pizzeria.html


Thursday, October 18, 2007

Oldskul o Hayskul??

Bwahahahah! parang hindi ko alam if pano ko sisimulan tong blog nato. Andaming pumapasok sa third brain ko.. ahhah! Ok cge ganto! mamirme ka Jedai! Go!.. ehemm,, naalala niyo ba ang UMD (Universal Motion Dancers) na namayapa na at tanging si Wowie De Guzman nlng ang buhay? E ang StreetBoys na hnaggang ngayon ay namamayag pag parin? Well well well.. guys aminin! dumating sa point ng buhay niyo na nakisayaw din kayo sa kanila. Hahah! Ok Game.. patugtugin ang mga sumusunod:

"Always" by Erasure (sinayaw ng UMD kung saan madaming nag ka crush kay wowie) eeww.. ahhah!



"Lick It" by Explicit (sinayaw ng Street Boys kung saan maraming tagapag hangang tumili kay Spencer) hahahh! ampowtah..


Eto pa.. ewan ko lang kung sino sakanila ang sumayaw nito pero this song is dedicated to Tita Leyn! ahhahah!

"How Gee!" by Black Machine (hahahh! OO CGE! yun nalng masasabe ko!)


**** cge guys.. manawa kau.. go! halungkatin ang nakaraan! ahhaha! aminin! nag ka kras kau kay spencer at kay wawi no? hahah! ^_^

Wednesday, October 17, 2007

BUKOW DIYUS!

We had our so called "Team LUnch or Team Dinner or team Building" last 10/12/07. Saan pa? malamang sa Gerry's Grill Insular. Mejo Badtrip kme ng konti nun kse we thought na sa Gerry's Grill Glorietta ulit magaganap ang lahat. Tas yun pala sa Insular lang na walang kahangin hangin at walang ibang spot na matino para makapaglagalag man lng after fumuds. Pro keber na, kse naka order nanga ng fudang. Well, na wipe out naman ang pag ka badtrip naming 3 nila Ian at Leyn nung lumalafang na kme. Ang nakakloka talaga is nung umorder kme ni Leyn ng juice. eto ang situation ah.. uhaw na uhaw na kme.. so shempre feel namin umorder ng something refreshing at yung tipong mapapawi ang uhaw. Edi go naman ang lolasious mo! "1 Buko Juice please!" Ampowtah! na gulintang ang buhay namin ni leyn nung sinerve na! hahaha! Anu ang nakita namin? Eto.. silipin mo!




Wahahahh! O dba! panalo! Isang BUKO JUICE na literal na nasa loob pa ng buko! NI - hindi man lang nga nabibiyak pa! hahah! tamblingan ang lola mo eh.. hahah! well neweiz, oks parin naman kse feeling ko that time nas COPACaBANA lang ako.., beach ba! Refreshing! Shempre ako naman ay nag-crave sa laman ng buko so ang ginawa ko, ay...


Anu fa! Pina Bi-ak ko ang Bukelia! ahhah! malamang, obviously, ayan ang laman ng buko. Manipis na malauhugin ang laman.. hahah! may bakat pa ng ng tusok ng straw kse kala ko mataba ang laman so mega kapa pako nung hindi pa sha nabibiyak. hahah! ^_^ Wagi ano! Ampowtah! Yan ang babala! Wag bibili ng BUKO JUICE sa Gerry's Grill dahil wala itong silbe. MAuuhaw ka lang lalo.... hahaha...
Shift naman muna.. pakita ko lng itong tanging Team BUilding kuno picture namin,,. liliitan ko lng kme mega pixelated ang larawan. Go sight it!

Tru! niliitan ko lng kse mapanget yung picture, wla kse ko jan.. hahaha jok! Nakakaloka.. hulaan kung anu ang tofic nag team.. "SEX" hahah sa tagalog, "KAN2**pooot!" ang sagwaicious! tru.. all about that..

Ang tagapag tanong: Jajing (80% questions) at Jedai (20% questions)... Ang mga Taga pag sagot: Noel and Ian (sex gurus), Leyn and Dax (sex advisers) hahah! Kaloka! KAtumbling tumbling ang tofic. Kaloka si Jajing may sound effects pang nalalaman.. hahah! Galing galing ng pagkaka sagot ng mga Gurus! Dami ko tuloy nahagap na info. Thanks guys!

Well.. we did enjoy the topic naman.. kahit wala si Madam na iniwan kme.. Keberrya lang.. Hahah.. sana maulit muli! Next tym sa bahay naman! wwooeew! sana matuloy!

Monday, October 15, 2007

When Love and Death embrace..

Here's the song I'm so addicted with as of the moment. "When Love and Death embrace" by HIM introduced to me by Eli. Hehehe.. Lablayp! Remember my Cavite Adveture I had last month? Yan yung isa sa mga dinownload namin noon. Hindi na naalis sa utak ko. Sabi nga ni Tita Leyn, parang pag naririnig niya yang song na yan na pineplay ko sa PC ko, feeling niya daw sound effects ng isang PC game. Hahah.. pwede. This song kse is LOVE METAL. It's not EMO or Alternative. I'ts one of METAL's roots. Hope you liked it too.. (and sana mag play).


Get this widget Track details eSnips Social DNA

"When Love And Death Embrace"

I'm in love with you. And it's crushing my heart. All I want is you. To take me into your arms. When love and death embrace. I love you. And you're crushing my heart. I need you. Please take me into your arms. When love and death embrace. When love and death embrace. When love and death embraceWhen love and death embrace

Monday, October 8, 2007

Vitch!


Halu ta na shi wa kung lai fei sin twa! Mabuhay! Shift muna ulit tayo sa mga important part ng life ko.. After the Begs, Shoes, Collections and weirdo Trips na bin-log ko, let me introduce you my junakis! She's sooo important sa lyf ko, thou hindi sha sakin nanggaling at hindi sha tao.. ngunit xay mahal na mahal ko.. ang kanyang luha ay nabubuo na parang muta, dahil lumaki shang walang magulang at walang nag-arugang ama't ina sa kanya.. She was 3 months old when her mom left her to me (as if! nkipag usap ako sa aso eh noh?) Kawawa naman, hindi man lang na enjoy ang gatas ng kanyang mudang.. I'm talking about this black and white fur coated cute balbonic dog... KUKAY!

Isn't she cute? ^_^ I super love her. She's been a part of my life since April of 2002. Grabe, napaka traydor ng bitch' na yan! PAsweet kuno pro bigla ka nalang aatakihin (kagatin bako ng walag pasabe! masakit kaya!).. awa ng langit, I'm still alive. Pag-dating ko sa haws, tatakbo yan kagad sakin tas mega harot at kawag ng kawag ang lokaret. My time na muntik na shang mamatay bafor. Buti nlng umige na sha at nka surbayb! waaa iiyak talaga ko ng todo pag nawala to. I remember, nasabe ko sa one of my x's na "mas mahal ko panga si Kukay kesa sayo eh!".. harsh anu?! grabe sama ko.. Sori Ciyo.. heheh!

Do you believe na na-kaka absorb ang dog ng emotion natin (any type of emotion)? Kse pag umiiyak ako or may something na masakit sakin, then pag lumapit c Kukay, somehow meron ka talagang mafifil na kakaiba, like bukod sa mawawala ng konti inis mo dahil macucutan ka sa kanya, may iba pa talagang nakakapag relieve na something pag nasa lap ko sha or hug ko sha. ^_^ Si Kukay na ata ang nakawitness ng life ko. Pag nasa room ako crying, sleeping (katabi ko kse sha sa pag-slip), eating, even sa pag-ligo ko, sasabay yan.. hehe sabay talag lahat! ^_^ Ang sya pramis!



Kaya guys, if you're a dog hater, common' magising kana! dmo naman kailangan matakot sa aso.. mababait sila pramis.. huggable pa and nakaka alis ng prob.. stress reliever! hihi.. no need to buy mamahalin type of dog.. kahit askal, kebs na yun.. pramis! ^_^ Sana mabasa toh ni kukay.. Labyu Kuks! ^_^



Friday, October 5, 2007

Fab 4's Expansion...

Y not! Dough nut! Ov corz.. Fab4 did expand.

How to be a Fab 4? Wla naman talagang requirements or kahit anung qualifications dahil hindi naman kme kulto nor a group na nag papaudition para makabilang ka samin.. Term lng namin yung Fab 4 gawa TV Show na Fab5. But! BUt!! napansin ko lng na isa sa common na ugali ng Fab 4 is mejo "Mahilig mang bully" at "Manukso". Kumbaga.. Mga "batang pasaway". heheh ^_^ Kaya na nga nadagdagan kme ng ka-baro. Hindi sha babaeng bakla, pero my god naman, napaka bully! I bet you know who I am talking about.... True! She's none other than "ANDREA PATRIMONIO CORNEJO" a.k.a "IAN"! Let's give her a round of applause.

Yan si IAN, ang babaeng mahilig mang alipusta ng mga co-agents niya. Wlang tinatalo pati TL namin binabarubal niya. Hahahah! ampowta! ^_^ She's the "Sexy-Bully" of the Strawberry Daiquiri Team or should I say, the whole Shutterfly Team. Pag sha na nanita ng Aux mo, yare ka na! From the word Sexy itself, true! sexy ang lola mo, big boobs, nice built and opcors she has a smooth white skin. (commercial?) Eto papala, she has a simple pretty face (kumabaga natural beauty).


She's one of my closest colleague here @ Shutterfly. Ksabay ko yan lagi umuwi. And grabe, hindi na kme naubusan ng panlalait at kwentuhan niyan on our way to MRT station. Hahha! As in! May times pa na tahimik na kme pro mga mata namin nag uusap.. yun pla parehas na kme ng nilalait sa jeep or kapag nag lalakad kme. Hahahah! sadjang mga salbaheng bata! Well, when it comes to deep problems, ma pag sasabihan mo talaga sha. You can open up to her, kahit hindi halata na tutulungan ka nya sa prob mo. Wagi ka dun gurl! Salamat! And ito pa, super dami ng nalalalaman niyan sa lahat ng bagay (medical/ health) and kahit anung things na matripan niyang tuklasin, talagang hahagilapin ng todo sa web. Me-sayad kse yan e kaya ganyan! hahaha! ^_^ Well, anyweiz.. If may mga tao mang na iinis sa kanya, ok lng yun. Nakakainis naman yan minsan e. Pro once you get along with her, malalaman mo na talagang ganyan lng ang personality niya. Hindi yan mag papa-under kahit kanino. So if you wanna get close to her, you'll be the one to adjust narin and wag kang pikon kse yayariin ka talaga nito. hahah! ^_^ Despite of her bullishness, she's a very good and sweet friend naman. (sabay bawe eh noh).. hehe..



Now that she's part of us... Malamang! ISOY! Pang aalipusta at sagradong pang-lalait ang centro ng kalakalan ng mga Bakla! hahah! Apir Ian! Mabuhay ka!