Diyed's Roots

.paranoid.weirdo.music.guitar.diptych.vox.guitarist.green.poetry.compositions.

Thursday, August 7, 2008

Sa Dyip..

Set-up: ngaragngaragan lola mo.. tamang pagod, antok at gutom.. sabog ang buhok, paitiman ng eyebags.. mukang adik..hagardness.. wagi!

Senaryo 1 (**Nag aabang ng dyip sa tapat ng opisina (PBCOM Tower) kaninang umaga pauwe. -Ayala avenue)

Manong na naka blue: Ms. d2 ba sakayan ng AYALA/MRT na dyip?
Jed: Yup! (suxal! inglis)
Manong na naka blue: Magkano naba pamasahe nagun?
Jed: 8.50 napo
Manong na naka blue: Mahal na pala.
Jed: (Dedmang sumakay ng dyip)
Manong na naka blue: (sumakay din ng dyip...) Pa-MRT ba toh?
Jed: Opo
Manong na naka blue: Magkano card sa MRT ngaun papuntang Cubao?
Jed: 12.00 po
Manong na naka blue: nako kulang ako ng 50 centavos. (bente ung arep..)
Jed: (kinakabahan sa maaring manyari...)
Manong na naka blue: Ms. may 50 cents ka jan?
Jed: (kunyare walang naririnig)
Manong na naka blue: Miss..
Jed: Ano po?
Manong na naka blue: Baka pedeng makahiram ng 50 cents?
Jed: (kapal! so tingin mo mag kikita pa tayo?) Ito po oh.. (bigay naman ang hitad)
Manong na naka blue: Ayan! salamat ah..
Jed: (dedma)
Manong na naka blue: MRT naba? san ba yun?
Jed: Dun papo pag lagpas ng tulay. (sabay baba pag dating sa kanto ng SM)
Manong na naka blue: Miss!
Jed: (dedma! maligaw ka sana! punyeta!)

kumento: ..apotah! ginawa kong utak! leche!..

Senaryo 2 (**Kalagitnaan ng byahe.. nkasakay sa dyip pauwe.. malakas ang tugtog sa dyip..)

Lola: Makikiabot nga ng bayad.
Jed: (kinuha ang bayad ni lola at inabot sa driver)
Lola: Salamat! (maya-mya.. nakita ko si lola, pumapadjak ang paa. mukang nagustuhan ata ang tugtog sa dyip)
Jed: (nappangiti na mejo pinipigilan ang tawan)
Lola: Ne, ganda ng tugtog ano?
Jed: (kinalibutan)
Lola: Anong pmagat nyan?
Jed: (nagulat at napangiti.. sabay bulong sa sarili: sabi nangaba eh..) Tagalog version po ng "Umbrella"..
Lola: (tuloy-tuloy ang pagpadjak ng paa)

kumento: hahaha! shiiiyyyeeeeet! hahahah!! ^o^

Kaloka galore si lola! hahaha.. seryoso yun ah.. ang kulet.. hahah! Anu bang meron sa araw na to at madaming naganap sa byahe ko? haha.. nyeta! dko yun makakalimutan.. Wala lng.. na share ko lng mga naganap kanina pauwe..

Ü8

No comments: