Diyed's Roots

.paranoid.weirdo.music.guitar.diptych.vox.guitarist.green.poetry.compositions.

Friday, July 25, 2008

Anong MUSIKA ka?

..Uhhuh! trulali at walang halong eklavurians.. Nowadays, charr!! Sa panahon ngaun, napakadami ng genre ng music. Before, tamang rock, senti, alternative, newwave, pop, rap, jazz, reggae, rnb, soul, oldskul metal and opm lng. Ngayon, nadagdagan na ng kung anu anu pang mga bagong kakaiba, kakaloka at bonggang bonggang genre. (trans, techno, party, house, metal, gothic, progressive at ang pinaka sikat na "emo") though meron narin taung mattwag na almost same din like dati (labo).. True! wla namang masama eh, lalo na para sa mga music lovers.. Kse as time goes by, shempre, pra din yang fashion trend, paiba-iba, paimprove ng pa-improve or minsan naman, pa-OA ng pa-OA ang style o lapat ng tunog ng isang kanta. Like MUSIC.. nadadagdagan ng instruments, effects, way how to sing it, your attitude sa pag perform and your style to deliver it. *belting? dna mzadong uso.. *classical? mejo palunod na.. *theater? meron parin, pro mejo konti nlng nakaka apreciate.

..Ngayon kse, sa dami at lawak ng MUSIKA/TUGTUGAN/BANDA/SINGER/PERFORMER sa buong mundo, bawat genre, parang masasabe mo naring lahi or nationality. Like kunyare, american, filipino, may kanya kanyang identity na. Parang pag sinabe mong metal ka, alam mo na kagad, kse yung porma mo, yung hairstyle mo yung pananaw mo sa buhay, metal na!.. gets? Panu mo ba ma iidentify kung anung musika ka sa mundo?

..Yup, kabilang ako sa isang banda. (tagalog na tagalog e noh?..) Sa pag pasok ko sa isang bar o pag punta sa mga gigs, concerts, islaman at ibat ibang music events gaya ng Pulp Summer Slam, Musiklaban at Fete, napakadami kong nakikitang ibat ibang lahi or music nationality. Eto mga napansin ko.. Tingin mo, sang tugtugan ka nabibilang sa mga sumusunod?

Matatawag kang isang:
*Metal/Prog/Grudge - Kung ikaw ay nakaputing plain shirt with rugged pantalon na may cut sa tuhod at ternohan mo pa ng vans na shoes. Sabayan mo ng pakikinig ng mga "Judas Priest", "Nirvana", "Dream Theater", "Dimmu Borgir", "Malevolent" at "Alice in Chains". Mga ganun.
*Punk - Kung ikaw ay naka shirt na bitin, may mga print na madami o patches ang poloshirt mo or shirt, tapos ternohan mo ng skinny jeans na pants tas sapatos na mejo kulay grey na sa dumi na madaming sulat na pentelpen at punit punit o tas-tas na na parang nginatngat na ng daga. Tas mahilig kapang makinig ng mga "New Found Glory", "Rufio", "Gimme-Gimme" at iba pa..
*Skater Punk- almost same as punk, ibahin mo lng yung shoes, gawin mong DC or kahit anung skate shoes tas mag lagay ka ng chain sa pantalon tas magsuot ka ng bag na may lamang skate board..lagyan mo din pla ng sumbrero.
*Reggae- Kung ikaw ay naka rasta / beach shirt na printed jobos with matching pajama na loose na masrap sa katawan ung tela, partneran mo pa ng bandana at dready hair. Dagdaga mo pa ng musika ni "Bob Marley".,
*Gothic/Death- Kung ikaw ay naka suot ng pure black attire,stockings, shoes, eyeliner, black lipstick/make-up.. sexy erotic dress. Sabayan mo ng pakikinig sa "Oremuz"..
*Emo- Kung ikaw ay may nakahawing pink/ red/ gold/ rainbow na buhok na mejo mukang parot, na natatakpan kalahati ng muka mo, minsan naka headband pa at may bangs..Nakasuot ka ng ilang patong na damit na super "OO" emo ako! tas may neck tie, more on black and pink yung color, tas naka chuck taylor na hi or low cut na may mejas na pang socker. sabayan mo ng pakikinig sa "DBC", "Taking back S", "Thursday" atbp.
*Rap/Hiphop - Kung ikaw ay nka suot ng malaking pang basketball o pang baseball na shirt ternohan mo nag Cap at blingbling na kumikintab at may dyamante. Na kahit pawisan na, naka doble pa ang tshirt. Tas nakasuot ka ng rubber shoes na parang barko (usually white shoes)..

Yung iba kse, dko na alam if pano mo ma iidentify.. basta kung dka kabilang sa nasa itaas, isa ka na sa mga taong sakto lng at laht ng musika ay tinatangkilik.. kumbaga, all around ba.. walang genre-genre and tawag sayo... Chill lang.. Dko naman sinulat mga difference nila, to discriminate other music genre. Kanya-kanyang trip yan, kanya kanyang life style, kanya-kanyang ugali/ personalidad. Kaya mas maganda, kung isa kang Music Lover, matuto kang rumispeto ng opinion at damdamin ng iba pag dating sa pananaw nila sa musika... Sa mga na offend, pasensha na.. pikon ka kung gayun! Uminom ka nlng ng Yakult!

CUT!! Panis! Pakshiyeeettt.. EMO! hahahah ^_^ tangnangyan! IDAMEH!! whoooo... tae! cgecge.. teykeyr parekoy! tama na toh.. pweh! usapang MUSIKA! woooew! Basta ako, mahilig sa PIZZA!

Ü8

No comments: